Tuloy na ang pag-imprenta at pagpapalabas ng White Beep Cards para sa mga estudyante, senior citizens at PWDs ngayong araw, Sept. 20.
Ayon sa Department of Transportation, simula alas 10:00 ng umaga, maaari nang mag-apply ng White Beep Cards ang mga estudyante, PWDs, at seniors para automatic nang makakuha ng 50 percent discount sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3.
ALSO READ:
Magsasagawa di ng on-the-spot printing ng White Beep Cards.
Ayon sa DOTr, maaaring magpunta sa kahit anong istasyon ng tren at magpakita ng requirements gaya ng student ID o enrollment certificate, senior citizen ID at PWD ID.
Mayroong 30 pesos na one-time payment para sa Beep Cards.




