Inaasahang darating na sa bansa sa susunod na mga araw si Labor Attaché Macy Monique Maglanque matapos ang utos na recall ng Department of Migrant Workers.
Si Maglanque ay nabanggit sa privilege speech ni Sen. Panfilo Lacson kaugay sa flood-control projects dahil sa kuneksyon niya sa MBB Global Properties.
ALSO READ:
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, matapos nilang ilabas ang recall order kay Maglanque mula sa Los Angeles ay naghain pa ito ng Motion for Reconsideration.
Pero ayon kay Cacdac, ibinasura ng DMW ang mosyon ni Maglanque kaya inaasahan nilang agad na itong bibiyahe pauwi ng bansa.
