UMARANGKADA na ang Phase 1 ng EDSA Busway Rehabilitation, kung saan apat sa mga istasyon nito ang pagagandahin.
Kinabibilangan ito ng Monumento, Bagong Barrio, North Avenue, at Guadalupe Stations.
Gagamitin ng Department of Transportation (DOTr) ang North EDSA Station bilang kanilang modelo sa pag-aayos ng iba pang mga umiiral na istasyon.
Sa North Avenue Station sa Quezon City, isa tatlong elevators nito ang hindi gumagana habang ang signage sa Monumento Station ay halos hindi makita dahil sa malabong mga ilaw.
Samantala, inihayag ni DOTr Secretary Vince Dizon na magdaragdag sila ng tatlong bagong istasyon, bukod sa rehabilitasyon ng apat na istasyon.