INANUNSYO ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes na inaasahang magsisimula ang rehabilitasyon sa EDSA sa marso.
Sa briefing sa palasyo, sinabi ni Artes na tinalakay ang naturang paksa sa pulong kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong martes.
Nakapaloob aniya ito sa comprehensive Traffic Management Plan para sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Tinukoy din ng MMDA chief ang ilang mga hamon sa EDSA rehabilitation, kabilang na ang drainage system.