SUGATAN ang isang bente syete anyos na lalaki makaraang sakmalin umano ng buwaya, sa barangay Buan, sa bayan ng Panglima Sugala, sa Tawi-Tawi.
Ayon sa pamilya ng biktima, nakaupo ang lalaki sa veranda ng kanilang bahay nang talunin ito ng buwaya saka kinagat.
Dahil dito ay nahulog sa dagat ang lalaki na nagtamo ng sugat sa likurang bahagi ng katawan at ngayon ay nasa maayos nang kalagayan.
Sinubukang hanapin ng mga residente ang buwaya subalit hindi na nila ito makita.
Sinabi pa ng pamilya ng biktima na umabot na sa pitong residente ang kinagat ng naturang mabangis na hayop.