HINDI sisimulan ang rehabilitasyon sa EDSA hangga’t walang solidong Rerouting Plans at hindi handa ang Local Governments Units (LGUs), ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa kanyang vlog, kahapon, sinabi ng pangulo na ayusin muna ang plano bago umpisahan ang EDSA Rehabilitation.
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Muling inihayag ni Marcos na masyadong matagal ang dalawang taon para maabala ng matinding trapiko ang mga Pilipino.
Noong nakaraang linggo ay inanunsyo ni Pangulong Marcos ang isang buwan na pagpapaliban sa EDSA Rehab, na unang itinakdang sisimulan sa June 13.