HINDI pa tuluyang natatapos ang rehabilitasyon mula sa bangungot ng Supertyphoon Yolanda, dahil walang ginawa ang nagdaang dalawang administrasyon.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pag-bisita kahapon sa Tacloban City, na isa sa mga pinaka-napinsala ng Bagyong Yolanda.
Mahigit 1,000 rice farmers sa Northern Samar, tumanggap ng ayuda sa gitna ng MABABANG farmgate prices
DOST, naglaan ng 600 million pesos para sa pagsusulong ng smart farming technologies
Rehabilitasyon sa Carigara Port sa Leyte, sinimulan na ng PPA
Tacloban journalist, hinatulan ng guilty sa terrorism financing
Sa ambush interview, sinabi ng pangulo na nagsimula ang totoong rehabilitasyon dalawang taon lamang ang nakakalipas, dahil walang nagawa mula sa mga nagdaang administrasyon.
Sinabi rin nito na mismong ang mga gobernador at iba pang lokal na opisyal ang nagsasabing hindi pa sila tuluyang nakababangon mula sa epekto ng bagyo.
Dahil dito, ngayon pa lamang umano talagang inaasikasong mabuti ang rehabilitasyon.
Tiniyak ni Marcos na ilalabas na ang rehabilitation plan ng kanyang administrasyon at ang pondo para rito sa oras na ito ay nakahanda na.
