POSITIBO sa Red Tide Toxins ang Matarinao Bay sa Eastern Samar, batay sa pinakahuling Confirmation Test ng Shellfish Meat Samples na isinagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Central Office.
Sa advisory, kahapon, binalaan ng BFAR Regional Office sa Tacloban City, ang publiko laban sa paghango, pagbebenta, at pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at alamang, mula sa Matarinao Bay upang maiwasan ang posibleng Paralytic Shellfish Poisoning.
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Inilabas ng BFAR-National Fisheries Laboratory Division ang Confirmatory Result sa Shellfish Meat Sample, isang buwan matapos mag-positibo sa Red Tide ang Seawater Samples mula sa Matarinao Bay, base sa pagsusuri ng Regional Office.
Saklaw nito ang Coastal Waters sa mga bayan ng General MacArthur, Hernani, Quinapondan, at Salcedo sa Eastern Samar.
Bukod sa Matarinao Bay, itinaas din ang Local Red Tide Warning sa Irong-Irong Bay sa Samar, makaraang makitaan ng indikasyon ng Red Tide Toxins ang nakolektang Seawater Samples sa naturang katubigan.
