14 March 2025
Calbayog City
Local

Red tide nananatili sa 4 na baybayin sa Eastern Visayas

APAT na baybayin sa Samar ang nananatiling positibo sa red tide toxins, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Eastern Visayas.

Ang mga apektado ng red tide ay kinabibilangan ng coastal waters ng Guiuan, Eastern Samar; Camabatutay Bay sa Tarangnan, Samar; Irong-Irong Bay sa Catbalogan City, Samar; at Matarinao Bay sa General Macarthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo sa Eastern Samar.

Batay sa records, ilan sa mga nabanggit na katubigan ay noong pang Oktubre positibo sa red tide.

Bunsod nito, pinayuhan ng BFAR ang publiko na iwasang humango, magbenta, at kumain ng lahat ng uri ng shellfish at alamang mula sa mga naturang baybayin.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *