BAHAGI ng desperadong galawan ng mga kalaban ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglutang ni Dating Manila Economic Cultural Office Chairman Silvestre Bello III.
Sa kaniyang pahayag ibinunyag ni Bello na tinanggihan niya ang alok na isang bilyong piso ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para tumakbo siya sa Davao.
Sa panayam ng programang agenda sa Bilyonaryo News channel, sinabi ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na kasinungalingan ang pahayag na ito ni Bello.
Ani Castro bahagi lamang ito ng desperadong hakbang ng mga magkakaalyadong grupo na target sirain at pabagsakin ang pangulo.




