UMABOT sa 36.741 million pesos ang real property tax collection sa Calbayog City, as of january 2025.
Ayon kay City Treasurer Ma. Evelyn Obong-Junio, mas mataas ito kumpara sa 30.778 million pesos na nakolekta sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Napaulat na expansion ng Geothermal Project, itinanggi ng mga opisyal sa Biliran
Mga biyahe sa karagatan sa Eastern Visayas, pinayagan na muli ng coast guard
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Sinabi ni Obong-Junio na iniuugnay ang pagtaas koleksyon sa social media campaign na inilunsad ng kanyang opisina para isulong ang 20% discount sa real property tax payments bago magtapos ang buwan ng enero.
Muli namang pinasalamatan ng city treasurer ang buong suporta ni Mayor Raymund “Monmon” Uy sa kanyang tanggapan, maging ang mahusay na assessment ng City Assessor’s Office, na kapwa bahagi ng tagumpay ng naturang hakbang.
Inanunsyo rin ni Obong-Junio na maari pa ring i-avail ng taxpayers ang 10% discount sa real property tax payments hanggang sa march 31, 2025.
