31 May 2025
Calbayog City
Entertainment

“Raining In Manila” ng Lola Amour, nanalo ng Special Award sa Music Awards sa Japan

KINILALA ang Hit Song na “Raining In Manila” ng OPM band na Lola Amour, sa Music Awards Japan, kung saan nauwi nila ang Special Awards for Philippine Popular Music.

Ang pinakabagong milestone ng Lola Amour ay inanunsyo ng Japan-based Awards-Giving body sa isang seremonya na ginanap sa ROHM Theater sa Kyoto, Japan.

Ang OPM band ang tanging Filipino act na nagwagi ng award sa naturang event.

Hindi nakadalo ang Lola Amour sa awards ceremony, kaya ang kanilang manager na si Mika Ordoñez ang tumanggap ng kanilang trophy sa Japan.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang vocalist ng banda na si Pio Dumayas, sa pagkakataong makatanggap ng international recognition.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).