NANINIWALA si Rafael Nadal na nag-iwan siya ng sporting at personal legacy sa kanyang pagreretiro mula sa professional tennis, kahapon, sa Davis Cup.
Natalo ang trenta’y otso anyos na Spanish Tennis Star sa opening singles rubber ng quarterfinals, kung saan pinadapa ng Netherlands ang Spain sa 2-1 para makaabot sa Final Four.
Tinamasa ni Nadal na 22-Time Grand Slam Winner, ang maningning at makasaysayang karera sa tennis sa nakalipas na mahigit dalawampu’t tatlong taon.
Sa kanyang speech sa seremonya para bigyang pagkilala ang kanyang retirement, sinabi ni Nadal na aalis siya nang payapa ang isipan dahil nakapag-iwan siya ng marka hindi lamang sa paglalaro ng tennis kundi maging sa personal na buhay ng mga nagmamahal sa naturang sport.