MATAGUMPAY na naisagawa ang operasyon para sa Queen of All Media na si Kris Aquino.
Sa kanyang social media update, ibinahagi ni Kris ang kanyang litrato, kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby na nasa kanyang tabi.
ALSO READ:
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Sa Instagram post, sinabi ni Kris na marami na silang pinagdaanan, kasabay ng pasasalamat sa mga nag-alay ng panalangin para sa kanya.
Noong Martes ay umapela ng dasal si Kris bago sumalang sa operasyon, hindi lamang para sa kanyang sarili, kundi para sa kapakanan ng kanyang dalawang anak.
Isiniwalat din niya na mula sa kanilang Compound sa Tarlac, ay nakatira sila ngayon sa isang Private Residences sa Makati.
