Tumanggap ang Muslim communities sa Davao del Norte ng mahigit lima punto apat na milyong pisong halaga ng tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay Davao del Norte Vice Governor De Carlo Uy, kabuuang 2,710 beneficiaries mula sa apat na bayan sa lalawigan ang nakatanggap ng tig-dalawanlibong piso.
Sinabi ni Uy na 788 beneficiaries ay mula sa Asuncion, Kapalong at San Isidro habang 1,922 beneficiaries ang mula sa Tagum City.