Umabot na sa 240 ang kaso ng tigdas na naitala sa Quezon City.
Ayon sa datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, nakapagtala na ng 240 na kaso ng tigdas sa lumgsod mula Jan. 1 hanggang June 11, 2025.
Upang maiwasan ang sakit na ito, ipinayo ng QC LGU na sundin ang sumusunod na hakbang:
Siguraduhing kumpleto ang bakuna laban sa tigdas (MR o MMR vaccine).
Kumain ng masustansyang pagkain tulad ng prutas at gulay na mayaman sa vitamin A at C.
Huwag lumapit sa may tigdas o may sintomas nito tulad ng lagnat, ubo, sipon, at pantal sa balat.
Takpan ang bibig at ilong kapag umuubo o bumabahing upang hindi makahawa o mahawaan.
Palaging maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
I-disinfect ang mga gamit gaya ng ibabaw ng mesa, doorknobs, at iba pang madalas hawakan.
Kung may lagnat na tumatagal ng mahigit tatlong araw, mayroong pantal sa katawan, ubo, at sipon, agad na kumonsulta sa doktor.
Huwag mag-self-medicate; sundin ang payo ng doktor para sa tamang gamutan.