13 February 2026
Calbayog City
National

Barko ng China, limang araw na sa karagatan ng Pilipinas; posibleng nagsasagawa ng marine scientific research, ayon sa PCG

POSIBLENG nagsasagawa ng marine scientific research sa karagatan ng bansa ang research vessel ng China.

Ayon kay Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) batay sa Dark Vessel Detection (DVD) Program ng Canada, ang Chinese research vessel na Zhong Shan Da Xue ay umalis sa Guandong Port, China, noong March 31.

Pumasok ito sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas noong April 2.

Simula noon ay nanatili na sa loob ng EEZ ng bansa ang nasabing research vessel at iisa lamang ang pattern ng paglalayag nito sa Northeastern Part ng Pilipinas.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).