17 November 2025
Calbayog City
National

Mga guro, binigyan ng 30-day uninterrupted flexible vacation ng DepEd

NAGBIGAY ang Department of Education (DepEd) ng 30-day uninterrupted flexible vacation nang walang anumang school-related commitments ang mga guro sa mga pampublikong paaralan sa pagtatapos ng school year 2024-2025.

Ito ay para mabigyan ng work-life balance ang mga guro at matiyak na sila ay magkakaroon ng sapat na pahinga para makapag-recharge nang iniintindi na school requirements.

Sa ilalim ng guidelines ng DepEd ang mga guro ay papayagan na mag-schedule ng kanilang 30-day uninterrupted break sa pagitan ng April 16 hanggang June 1, 2025.

Ang 30-day break ay maaaring tuluy-tuloy o putol-putol.

Sakop din ng nasabing kautusan ang mga guro sa Alternative Learning System (ALS) at ang mga nagtuturo sa Arabic Language and Islamic Values Education (ALIVE) classes.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).