PORMAL nang binuksan ng Senado at Kamara ang First Regular Session ng 20th Congress.
Isinagawa ang pagbubukas ng sesyon, bago ang ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kahapon.
Present lahat ang dalawampu’t apat na senador, kabilang ang first-time members na sina Rodante Marcoleta, Erwin Tulfo, at Camille Villar, maging ang mga nagbabalik na sina Bam Aquino, Ping Lacson, Kiko Pangilinan, at Tito Sotto.
Sa botong 19-5, mananatili bilang senate president si Senador Chiz Escudero, matapos talunin si Sotto na tatayo naman bilang senate minority leader habang senate majority leader si Senador Joel Villanueva.
Wala ring nabago sa liderato ng Kamara matapos mailuklok muli si Speaker Martin Romualdez sa botong 269.