NAAPEKTUHAN ng grassfire ang dalawang burol sa Chocolate Hills, sa Carmen, Bohol.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, sumiklab ang sunog pasado ala syete ng gabi noong Martes.
Sinabi ng BFP na ang sunog na isinisi sa kasalukuyang napakatinding init ng panahon, ay naapula makalipas ang tatlong oras.