MAS magandang Agricultural Trade ang inaasahan sa pagitan ng Türkiye at Pilipinas, kasunod ng Trade Mission na dinaluhan ng mga miyembro ng Turkey Exporters Assembly (TIM) at ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa Makati City.
Sa Sidelines ng Event, sinabi ni Türkiye Ambassador to the Philippines Niyazi Evren Akyol, na mas maraming Poultry Products ang kanilang i-e-export sa Pilipinas, habang inaasahan nila ang mas mataas na Volume ng Fresh at Dried Fruit mula sa bansa.
Aniya, nakikipag-ugnayan sila sa Department of Agriculture para sa kinakailangang Procedures.
Idinagdag ni Akyol na ikinu-konsidera rin nila na magluwas ng Defense Equipment sa Pilipinas.
Batay sa tala ng TIM, umabot sa 140 million US dollars ang Exports ng Türkiye sa Pilipinas noong 2024 habang ang Imports ay nasa 254 million US dollars.