14 March 2025
Calbayog City
Province

Mga pag-ulan na dala ng shear line, pumatay ng 5 sa Palawan, ayon sa PDRRMO

LIMA katao ang patay makaraang tangayin ng baha at malakas na pag-ulan ang kanilang sasakyan sa Palawan.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Head Jerry Alili, ang mga biktima ay pasahero ng isang shuttlevan.

Patungong Puerto Princesa City mula Bataraza ang van nang tumirik ang makina nito habang tumatawid sa binahang kalsada.

Mula sa labindalawang pasahero, pito ang nakaligtas at ngayon ay nagpapagaling na sa ospital.

Sinabi ni Alili na tatlo sa mga biktima ang narekober noong Lunes habang dalawa kahapon ng umaga.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).