MAHIGIT sampu pa ang nawawala kasunod ng magnitude 6.2 na lindol na yumanig sa Northwestern Gansu Province sa China.
Sa Gansu, isandaan labinlima katao ang narekober na bangkay habang pitundaan walumpu’t apat ang nasugatan.
Umakyat naman sa dalawampu’t dalawa ang death toll sa katabing Qinghai habang isandaan siyamnapu’t walo ang nasugatan at labindalawa ang nawawala.
Mahigit dalawandaang kabahayan ang nasira habang labinlimang libo ang gumuho sa Gangsu na nakaapekto sa mahigit isandaan apatnapu’t limanlibo katao.