15 March 2025
Calbayog City
Province

Echague, Isabela, nakapagtala ng pinakamainit na temperatura ngayong taon sa 40 Degrees Celsius

NAITALA ng PAGASA ang 40 degrees celsius sa bayan ng Echague, sa Isabela, noong Lunes, na pinakamainit na temperatura ngayong 2024.

Ito ang kauna-unahang 40 degrees celsius na temperatura na naitala sa bansa simula noong 2021.

June 5, 2021 nang maitala sa Echague at Tuguegarao City ang 40.1 at 40.2 degrees celsius na maximum temperatures.

Kabilang sa iba pang mga lugar na nakaranas ng napakainit na panahon, noong Lunes, ay ang Camiling, Tarlac na nasa 39.8 degrees celsius at Tuguegarao City na nasa 39.6 degrees celsius.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *