APATNARAAN apatnapu’t walong Program Partners sa Eastern Visayas ang kinilala ng Department of Health (DOH) dahil sa kanilang papel sa pag-abot ng milestones sa rehiyon.
Sinabi ni DOH Eastern Visayas Regional Director Exuperia Sabalberino sa pagtitipon sa Summit Hotel sa Tacloban City, na nagbigay sila ng awards sa sidelines ng Health Summit, simula Dec. 10 hanggang 11.
Aniya, naka-focus ang Health Summit ngayong taon sa pagkilala sa pag-usad at pagdiriwang ng milestones, na ang layunin ay kilalanin at parangalan ang outstanding DOH partner facilities at organizations sa kanilang walang pagod na pagseserbisyo publiko at kontribusyon sa pagpapaunlad ng healthcare system sa Eastern Visayas.
Ang mga awardees ay kinabibilangan ng Local Government Units, government hospitals, partner national government agencies, non-government organizations, media health volunteers, at private establishments.