NAGSUMITE si Archie Alemania ng counter-affidavit kung saan itinanggi niya ang reklamong Acts of Lasciviousness ng isinampa ni Rita Daniela.
Pinanumpaan ng aktor, kasama ang kanyang abogado, ang kanyang counter-affidavit, sa Bacoor Hall of Justice sa Cavite.
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Dumalo sa preliminary investigation ang abogado ni Rita na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, na nagsabing hangga’t maari ay iniiwasan niyang magtagpo ang kanyang kliyente at si Archie.
Binigyang diin ni Abraham-Garduque na bilang abogado ay kailangan niyang protektahan ang mental health ng singer-actress at amendable naman aniya rito ang counsel ng aktor.
Inakusahan ni Rita si Archie na hinalikan siya nang walang pahintulot, hinawakan sa maselang bahagi ng katawan, at sinabihan ng mga bastos na salita.
