NAIBALIK ng Akari ang kanilang winning formula laban sa Chery Tiggo sa score na 22-25, 26-24, 25-18,25-20, sa PVL All-Filipino Conference, sa Philsports Arena.
Pinangunahan nina Gretchel Soltones at Fifi Sharma ang charges na galing sa tatlong magkakasunod na talo mula sa Petro Gazz, Farm Fresh, at Creamline.
Umakyat sa 3-3 ang standing ng Akari habang bumaba sa 3-2 ang crossovers.
Gumawa si Soltones ng 22 points, kasama ang 9 digs at 7 receptions habang si Sharma ay nagdagdag ng 16 markers, 6 blocks, at 2 service aces.