SINUSPINDE muna ng Qatar ang kanilang hakbang bilang mediator sa negosasyon para sa tigil putukan at pagpapalaya ng mga bihag sa pagitan ng Israel at grupong Hamas.
Ayon sa Qatar, ipagpapatuloy nila ang pagiging tagapamagitan, kapag kapwa nagpakita na ng interest ang magkabilang panig para sa anumang kasunduan.
ALSO READ:
Pope Leo nanawagan ng responsableng dayalogo at itigil ang karahasan sa Middle East
Pope Leo, bibisita sa 4 na African countries sa Abril
Mahigit 20 katao, patay sa pananalasa ng malakas na ulan sa Brazil
Mexico, nagdeploy ng libu-libong sundalo para matigil ang karahasan kasunod ng pagkamatay ng drug lord
Ito’y matapos umanong sabihin ng isang Senior US Official na hindi na tatanggap ang Washington ng presensya ng Hamas Representatives sa Qatar, kasabay ng pag-akusa sa Palestinian group ng pagbasura sa mga bagong proposal upang matuldukan na ang digmaan sa Gaza.
Una nang napaulat na umatras ang Qatar mula sa mediation at sinabing hindi na nagagampanan ng Hamas ang layunin ng political office nito sa Doha.
