BUMABA ang debt service bill ng National Government noong Setyembre, makaraang bumagsak ang amortization payments para sa domestic borrowings.
Sa pinakahuling datos mula sa Bureau of Treasury, bumaba sa 60.83 percent o sa 93.61 billion pesos ang debt service bill noong ika-siyam na buwan mula sa 239 billion pesos na naitala noong September 2023.
Mas mababa rin ng 49.73 percent ang debt service bill noong setyembre kumpara sa 186.22 billion pesos noong Agosto.
Ang debt service ay tumutukoy sa binayarang utang ng gobyerno sa local at foreign creditors.