TATLUMPUNG kabahayan ang nasunog sa bayan ng Silang sa Cavite.
Ayon sa Region 4A Police, sumiklab ang sunog pasado alas syete ng gabi sa Purok 3 Barangay Inchican, at naapula ito makalipas ang halos dalawang oras.
Sa inisyal na pagsisiyasat, nagsimula umano ang sunog sa tangke ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) na nasa loob ng isa sa mga bahay.
Pansamantalang nanunuluyan ang mga biktima ng sunog sa Evacuation Center sa Barangay at pinangangasiwaan ng Local Social Welfare Office.
Inaalam pa ng arson investigators ang halaga ng pinsala ng sunog.