14 November 2025
Calbayog City
Province

Drayber, patay makaraang sumalpok sa tindahan at magliyab ang minamanehong fuel tanker sa La Trinidad, Benguet

PATAY ang isang driver sa Benguet nang bumangga ang minamaneho niyang fuel tanker sa isang tindahan sa La Trinidad, at nagpasiklab sa napakalaking sunog na nagdulot ng labing isang milyong pisong halaga ng pinsala.

Limang kabahayan at labing isang mga sasakyan ang tinupok ng apoy na nangyari, pasado ala una ng madaling araw kahapon.

Kasalukuyan ding mino-monitor ng rural health unit ng munisipalidad ang kondisyon ng dalawampu’t siyam pang mga indibidwal.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).