NAKAKUMPISKA ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng 41 Million Pesos na halaga ng iligal na droga at nakaaresto ng 321 suspects sa serye ng anti-drug operations sa nakalipas na linggo.
Sa statement, sinabi ng NCRPO na resulta ito ng 204 Coordinates Law Enforcements Activities simula Oct. 31 hanggang Nov. 7.
Saklaw ng NCRPO ang limang distrito na kinabibilangan ng Manila Police District, Quezon City Police District, Northern Police District, Southern Police District at Eastern Police District.
Highlight sa accomplishments ng NCRPO ang pagkakakumpiska ng EPD ng limang kilo ng kush o high-grade marijuana na nagkakahalaga ng 7.5 Million Pesos.