TINIYAK ng bagong talagang general manager ng Metro Rail Transit line 3 (MRT-3) na si Michael Jose Capati na wala silang planong magtaas ng pasahe, sa ngayon.
Ginawa ni Capati ang pagtiyak sa gitna ng ipinatupad na taas-pasahe sa Light Rail Transit line 1 (LRT-1), simula ngayong Miyerkules, April 2, kasunod ng pag-apruba sa Revised Fare Matrix.
Mahigit 1,300 na paglabag sa bahagi ng La Salle Green Hills, nahuli sa NCAP ng MMDA
Minimum Wage Earners, dapat bigyan din ng 50% discount sa LRT at MRT
Pumping Station sa Quezon City na itinayo ng DPWH sa Non-Building Area, pinagigiba ng LGU
Luncheon meat, beer galing China nakumpiska ng CIDG; 7 kabilang ang 5 Chinese arestado
Bumalik si Capati bilang MRT-3 chief matapos masibak sa pwesto ang pinalitan nitong si Oscar Bongon noong Marso dahil sa pagpalya ng escalator sa Taft Avenue Station na ikinasugat ng sampu katao.
Dati nang hinawakan ni Capati ang kaparehong posisyon noong 2022 matapos magsilbi bilang Director for Operations ng MRT-3 sa loob ng limang taon.
Ayon sa opisyal, nais niyang maibalik ang tiwala ng mga pasahero ng MRT-3, kasunod ng sunod-sunod na mga isyu sa transport system sa mga nakalipas na linggo.