APAT ang patay sa sumiklab na sunog sa residential area sa Barangay Longos, sa Malabon City.
Ayon sa kaanak ng mga biktima, kabilang sa mga nasawi ang tatlong magkakapatid at isang pamangkin na ang edad ay siyam hanggang tatlumpu’t walo.
Isa sa mga nasawing miyembro ng pamilya ay person with disability.
Ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region, mahigit apatnapu katao o nasa sampung pamilya ang naapektuhan ng sunog na kumalat sa anim na kabahayan.
Makalipas ang tatlong oras ay naapula ang sunog na inaalam pa pinagmulan, maging ang halaga ng mga natupok na ari-arian.