MAKATATANGGAP din ng Fuel Subsidy mula sa gobyerno ang Public Utility Vehicle (PUV) operators at drivers na hindi pa Consolidated sa ilalim ng Modernization Program.
Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na hindi kailangang Consolidated ang mga tsuper o operator para makatanggap ng Subsidiya mula sa pamahalaan.
Binigyang diin ng DOTr na Consolidated man o hindi, nais ng gobyerno na maging inklusibo ang programa, lalo’t buong sektor ay mararamdaman ang epekto ng pagtaas ng krudo, sa gitna ng hidwaan sa Gitnang Silangan.
Ire-release ang Fuel Subsidy sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na ngayon ay isinasapinal na ng ahensya.