Inaresto ng kanyang mga kabaro ang isang pulis makaraang makumpiskahan ng shabu na nagkakahalaga ng 136,000 pesos sa Parañaque City.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Major Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nasakote si Corporal Mcneil Bagunu, trenta’y uno anyos, sa Barangay B.F. Homes.
ALSO READ:
NCRPO, naka-full alert simula sa Feb. 21 kaugnay ng EDSA Anniversary at Trillion Peso March
24/7 na repair works sa EDSA, planong ipatupad ng DPWH sa Semana Santa
Phase 1 ng EDSA Rehab, inaasahan ng DPWH na matatapos sa Hulyo
German, arestado sa NAIA matapos mahulihan ng 55 million pesos na halaga ng shabu na itinago sa mga bibliya
Nakipagkita aniya si Bagunu sa mga pulis na nagpanggap na buyer ng shabu.
Narekober mula sa suspek ang dalawampung gramo ng shabu na nakalagay sa apat na sachets at isang kalibre kwarenta’y singko na handgun.
Nahaharap ang pulis sa kasong drug trafficking at paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.
