MAGSASAMPA ng reklamo ang police official na umano’y kinastigo at ipinahiya ng isang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa isang operasyon sa Barangay Teachers Village East, ayon sa National Police Commission.
Kinumpirma ni NAPOLCOM Commissioner, Atty. Ralph Calinisan na plano ni Police Captain Mann Felipe ng Quezon City Police District (QCPD) na maghain ng kasong paglabag sa Data Privacy Act laban kay MMDA Special Operations Group Strike Force Head Gabriel Go.
Mahigit 1,300 na paglabag sa bahagi ng La Salle Green Hills, nahuli sa NCAP ng MMDA
Minimum Wage Earners, dapat bigyan din ng 50% discount sa LRT at MRT
Pumping Station sa Quezon City na itinayo ng DPWH sa Non-Building Area, pinagigiba ng LGU
Luncheon meat, beer galing China nakumpiska ng CIDG; 7 kabilang ang 5 Chinese arestado
Tutulungan ni Calinisan ang police officer sa pagsasampa ng kaso, dahil naniniwala siya na malalim ang naging epekto ng ginawa ni Go sa police organization.
Nag-ugat ang reklamo mula sa viral video kung saan nakita si Go na paulit-ulit na pinagalitan si Felipe sa isang clearing operation sa lugar.