PINAG-iingat ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang publiko sa mga pekeng post sa social media patungkol sa Class Suspension.
Ayon sa DILG, hindi totoo ang mga ipinapakalat na post na nag-anunsyo na ng Class Suspension at pasok sa trabaho si DILG Secretary Jonvic Remulla para sa araw ng Miyerkules, August 27.
Paalala ng kalihim, ang opisyal na anunso tungkol sa Class at Work Suspensions ay magmumula lamang sa DILG, Office of the President, LGUs, DepEd, at iba pang Concerned Agencies.
Ito ay ibabahagi lamang sa mga beripikado at opisyal na websites at social media pages.
Paalala ng DILG sa publiko, maging alerto at maingat sa mga nababasa at ibinabahagi na post sa social media.
Pinag-aaralan na din ng DILG ang pagsasampa ng kaso laban sa mga Facebook page na nagpapalaganap ng ganitong pekeng impormasyon.




