INAPRUBAHAN na ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang pagpapalabas ng mahigit 69.8 million pesos na pondo para sa allowances ng mga public school teacher sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa Manila Public Information Office aabot sa mahigit eleven thousand six hundred public school teachers ang makatatanggap ng allowance.
Sakop nito ang kanilang allowance para sa mga buwan ng Oktubre hanggang Disyembre 2025.
Samantala inanunsyo din ni Moreno ang pagpapalabas ng 9.68 million pesos na financial assistance para sa higit six thousand four hundred na Grade 12 public school students para sa huling quarter ng 2025.




