BILANG pakikibahagi sa pagdiriwang ng Valentine’s Day kahapon, nakiisa ang Provincial Government ng Samar sa special dress code para sa naturang okasyon.
Ang mga kulay ng damit ay may katumbas na kahulugan na sumisimbolo sa relationship status ng may suot.
Gaya ito ng:
- Puti – na handang ma-in love ulit
- Gray – na in love pa rin sa ex
- Itim – single
- Pink – naghahanap ng afam
- Orange – naka move on na
- Asul – walang label ang relasyon
- Berde – kabe-break lang
- Dilaw – may ka-mu (mutual understanding)
- Pula – in a relationship
- Brown – heartbroken
- Purple – marupok
- Checkered – may asawa na
- Stripes – matagal nang may karelasyon
- Hoodie – na-ghost
- Uniform – na-friendzone
Game naman ang mga empleyado ng Provincial Government na nag-pose sa harap ng camera sa booth na inihanda ng Human Resources Management Office.