Ibinida ng Department of Finance (DOF) na nakapag-generate ang kanilang Privatization and Management Office (PMO) ng 1.94 billion pesos noong nakaraang taon.
Ayon sa DOF, lagpas ng 168% sa kanilang target ang naturang koleksyon.
Ang remittances naman nila sa treasury na 1.88 billion pesos ay lagpas din ng 187.9% sa kanilang target.
Sinabi ni Finance Undersecretary Catherine Fong, na nirerebisa ng PMO ang guidelines para sa disposition ng state assets upang makatulong na maabot ang mga agresibong targets ngayong taon.
Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan ang pmo sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) para sa pagsasapribado ng gaming operations.