Magsisimula na si Princess Victoria ng Sweden sa Special Officer Training sa huling bahagi ng taon upang lumalim pa ang kanyang military training, ayon sa Royal Court.
Ang training ay bahagi ng paghahanda sa crown princess para sa kanyang future role bilang head of state.
Ang apatnapu’t anim na taong gulang na si Victoria ay panganay na anak nina King Carl XVI (the 16th) Gustav at Queen Silvia.
Noong 1980 ay ginawa siyang crown princess nang maging kauna-unahang bansa ang Sweden na nag-adopt ng absolute primogeniture (prai-mo-je-ni-tyur), na ang ibig sabihin ay panganay na anak ang nasa first line of succession, anuman ang kasarian nito.