Natalo si Prince Harry sa legal challenge laban sa desisyon ng British government na alisin ang kanyang police protection kapag siya ay nasa Britain.
Ini-akyat ng nakababatang anak ni King Charles sa high court sa London ang kanyang apela matapos magpasya ang home office noong Feb. 2020 na tanggalin ang otomatik na pagtanggap nito ng personal police security kapag nasa Britanya.
Bago talikuran ang kanyang royal duties at lumipat sa California, kasama ang American wife na si Meghan noong March 2020, tumatanggap si Harry ng full publicly-funded security protection na ibinibigay ng estado.