NAGBITIW ang Prime Minister ng Haiti na si Ariel Henry, ilang linggo matapos sumiklab ang kaguluhan sa Caribbean Nation, kung saan sinalakay ng mga gang ang government structures at malapit na ring bumagsak ang kaayusan ng lipunan.
Sa video address ni Henry, sinabi niya na lilisanin niya ang kanyang pwesto pagkatapos maitatag ang isang transitional council, kasabay ng pagbibigay diin na kailangan ng Haiti ng kapayapaan at stability.
Tiniyak ni Henry na agad siyang bababa sa poder pagkatapos ng inauguration ng council, at magsisilbi silang caretaker ng pamahalaan hanggang sa magkaroon ng Prime Minister at bagong gabinete.