18 July 2025
Calbayog City
Entertainment

‘Pretty Little Baby’ singer na si Connie Francis, pumanaw na sa edad na 87

PUMANAW na sa edad walumpu’t pito ang American Singer na si Connie Francis, na nagpasikat sa mga awiting “Pretty Little Baby” at “Stupid Cupid.”

Ang malungkot na balita ay ibinahagi sa Facebook ni Ron Roberts, kaibigan ni Connie at presidente ng Concetta Records, ang Music Label na pag-aari ng singer.

Ibinahagi rin sa Official at Verified Facebook Page ni Connie ang post ni Ron.

Noong nakaraang buwan ay inanunsyo ni Connie sa Facebook na sumailalim siya sa Series of Test para alamin ang pinagmumulan ng nararamdaman niyang Pelvic Pain sa kanang bahagi.

Nito lamang July 3 ay sinabi ng singer na inilipat na siya sa Private Room matapos suriin sa Intensive Care.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).