LUMOBO na sa 600 pesos kada kilo ang presyo ng siling labuyo sa mga palengke, kasunod ng pananalasa ng sunod–sunod na bagyo sa bansa, ayon sa Department of Agriculture.
Sa loob lamang ng limang linggo ay anim na mga bagyo ang tumama sa bansa.
Batay sa monitoring ng DA, nadagdagan pa ng singkwenta pesos kada kilo ang presyo ng siling labuyo mula sa 550 pesos per kilo noong nakaraang linggo.
Sinabi ng ahensya na umabot sa 1.23 billion pesos ang halaga ng iniwang pinsala ng mga bagyong Kristine at Leon sa high-value crops, na sumasakop sa 10,163 hectares at volume production loss na 46.016 metric tons.