NAGSIMULA nang tumaas ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa Market sa Maynila, ilang araw bago ang Valentine’s Day.
Sa ngayon ay nasa 1,350 pesos na ang presyo ng dalawang dosenang extra-large na mga rosas.
Ang bundle naman ng sampung pirasong sunflower ay nasa 300 hanggang 500 pesos habang ang kada piraso ng tulips at Ecuadorian rose ay nagkakahalaga ng 150 pesos.
Nasa 250 pesos naman ang kada kilo ng baby’s breath habang 350 pesos ang kada bundle ng chamomile.




