14 November 2025
Calbayog City
National

Presyo ng manok, posibleng bumaba matapos bawiin ng pamahalaan ang Import Ban

POSIBLENG bumaba ang presyo ng manok matapos bawiin ng pamahalaan ang Import Ban sa Domestic and Wild Birds, pati na Poultry Meat Products mula sa dalawang bansa.

Una nang nilagdaan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang Memorandum Orders na nag-aalis sa temporary IMPORT Ban sa Poultry Products mula sa Brazil at anim na states sa US.

Sinabi ni DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa na malaking tulong ito upang mabawasan ang Supply Pressures at bumaba ang Retail Prices ng manok.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).