14 July 2025
Calbayog City
National

Presyo ng LPG, bumaba sa ikatlong sunod na buwan ngayong Mayo

BUMABA sa ikatlong sunod na buwan ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG).

Sa magkakahiwalay na abiso, tinapyasan ng Petron, Regasco, at Solane ng piso kada kilo ang presyo ng kanilang cooking gas.

Ayon sa oil companies, ang price adjustment ay repleksyon ng International Contract Price ng LPG ngayong buwan ng Mayo.

Sa datos mula sa Department of Energy, ang karaniwang presyo ng 11-kilogram na tangke ng cooking gas ay nasa 1,085 pesos.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).