7 July 2025
Calbayog City
National

Presyo ng gasolina at diesel, tumaas ng halos 2 piso kada litro

BAD news sa mga motorista.

Nagpatupad na naman ng malakihang taas-presyo ang mga kumpanya ng langis sa kanilang mga produktong petrolyo.

Tumaas ng piso at walumpung sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina at diesel.

Piso at singkwenta sentimos naman ang idinagdag sa kada litro ng kerosene o gaas.

Epektibo ang Oil Price Hike, kaninang ala sais ng umaga.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).